Makita Kang Muli by Sugarfree
bawat sandali ng aking buhay
pagmamahal mo ang aking taglay
san man mapadpad ng hangin
hindi magbabago aking pagtingin
pangako natin sa Maykapal
na tayo lamang
sa habang buhay
maghintay
ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
maghintay ka lamang
ako'y darating
pagka't sa isang taong mahal mo
ng buong puso
lahat ay gagawin
makita kang muli
makita kang muli
puso'y nagdurusa
nangungulila
iniisip ka pag nag-iisa
inaalala mga sandali
nang tayo ay magkapiling
ikaw ang gabay
sa akin twina
ang aking ilaw
sa gabing mapanglaw
tanging ikaw
ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
maghintay ka lamang
ako'y darating
pagka't sa isang taong mahal mo
ng buong puso
lahat ay gagawin
makita kang muli
makita kang muli
makita kang muli
makita kang muli
makita kang muli


0 Comments:
Post a Comment
<< Home